Anak, di man ako makapagsalita layon ko'y pasalamatan kayo. Ang arugang di mapapantayan at pagmamahal na di malilimutan. Alam ko rin namang nahihirapan na kayo. Dalangin ko sa may kapal ay pagpalain kayo. Matandang walang silbi inyong napagtyagaan. Mga panahon ng problema't di ko man lang kayo natulungan o kahit payo lamang, ngunit batid ng aking damdamin ang paghihirap ninyo. Sa umaga, para kong sangol na biglang naiihi sa kama. Aking umaalingasaw na amoy inyo sanang pagpasensyahan dahil hindi naman lingid sa inyong kaalaman na mahina ang aking katawan't madaling magkasakit. Sa aking pagdumi kayo pa ang naiistorbo. Batid ko sana ay ako naman ay inyong kwentuhan. Naaalala nyo pa ba nung kayo ay maliit at sangol pa lamang sa pag ihi't pagdumi mo ako'y agad na pinapalitan k ng lampin? At sa gabing ikay di makatulog ay ipinagtitimpla kita ng gatas at may kasama pang maikling storya. Sa paglaki mu ikaw ay sinubaybayan. Binigay ang lahat nang pangangailan mu. Sa mga paggawa nito ay nagdudulot sakin ng saya. Dahil alam kong masaya ka din sa nabigay ko. Ngayon matanda kana, abala sa maraming bagay. Sana naman ako ay iyong kwentuhan. Pasensya kana kung ako ay nag iisip bata kung paminsan-minsan. At sa aking puso ay alam kong nataguyod kita ng maayos. Sa aking pagpanaw, Ang liham na ito ay pasasalamat at batid ko Nawa'y huwag kang pababayaan ng diyos na may kapal.
The voice behind the feelings of our beloved elder. And we are all sorry and thanked you!
Sunday, October 25, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)